Thursday, October 2, 2008

Klasik Funny Komiks

I stumbled upon a forum one night... Pinaguusapan nila ang mga lumang Komiks na gawa ng Pinoy, nakuha nya ang aking interest, kasi dati rin akong nangongolekta ng Funny Komiks noon... wag nyong sabihin na hindi nyo alam kung anong mga pinagsasabi ko dito...
ayan ang example sa itaas check the date: May 14 1982, (di pa ako pinapanganak nyan)
At ang presyo: Piso lang!! (di ko alam kung magkano ang katumbas ng piso noon)
Nagumpisa ako mangolekta ng Funy Komiks nung ako ay High School na, Mga nasa P10-P15 ung presyo noon ng isang Issue, at linggo linggo may bagong labas (mas ok pa sa Reader's Digest) Sa ganung halaga busog na ang aking appetite sa pagbasa ng komiks, at isang araw lang tapos ko na ang isang Issue, pero hindi ko sya tinatapon, kasi recyclable sya (hehe). Ang ibig kong sabihin, pede ko sya ulit basahin, gawing kopyahan pag nag fe-feeling artist ako at nag do-drowing.

Naaalala ko ung mga classic na karakter sa Funny Komiks nun, Mr. &Mrs, Tomas & Kulas (local Version ng Tom & Jerry), NikNok (local version ng Dennis the Menace *i think), Planet Opdi Apes (hindi ko alam kung naging inspiration ng gumawa nito ung Movie dati na Planet of the Apes 1968), At sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Combatron:

Isang cyborg na may malaking magnet sa ulo.
May mga sections din dun kung saan may interaction sa magbabasa, may Puzzle & Games. may page din kung saan inilalathala ang mga sarilign drawings ng mga magbabasa. Natutukso nga ako magpadala dun eh, pero hindi nangyari.
Masasabi kong late bloomer ako sa pagtangkilik sa Funny Komiks, kasi pansin ko di sya alam ng mga kaklase ko eh. Kungbaga hindi sya uso nung panahon na nagka interest ako sa kanya,
May mga nakikita din akong mga Foreign na Comics both Marvel & DC, di nga lang "in" sakin, di ako maka relate eh. Mas enjoy ako sa simplicity ng Funny Komiks.
Kung tinatanong nyo kung nasan na lahat ng Koleksyon ko...
i remeber, it was just like yesterday...
Nakalagay lahat ng mga Laruan ko sa isang malaking box nang di magkasya lahat ung iba nilagay sa sako, sa sako nasama ung mga komiks, kung bibilangin mga nasa 50 pcs un lahat, nung lumipat kami ng bahay, aba eh nawawala ung my precious sako,
Hinala ko ung mga tumulong samin na mga tambay maglipat ng gamit ang kumuha.
Sayang din yun, treasures yun para sakin. Hindi mabibili ng kahit sinong kolektor hehe...

Siguro kung makakabasa ako ng isang issue ulit, ung tipong panahon ko na publish, hindi ko siguro matatago ang aking narramdaman, mapapatalon, at makikitang napunit ko ung Komiks (hehe).
Hmm... Kung meron pa akong natatagong koleksyon nung bata pa ako siguro ung mga text cards o playing cards ko noon, mga Street Fighters, Dragon Ball, Mojacko Etc... yung mga natira nalang sakin un ng ate ko, mga hindi ko pa napapatalo.
Hay Memories....

Isang Bitin na post hatid ni Combatrin este Combatron pala

No comments: