Friday, November 28, 2008
Memoirs of Being less Nimble II Sounds of Disturbance
Wala akong maisip na maisulat.
Ang lakas ng tunog ng cymbals sa ikalawang palapag ng bahay, parang may concert. Galing sa silid ng magulang ko, may pinapanood ata silang pelikula, pero wala akong idea kung anu yon.
Matagal-tagal narin silang hindi nagkakaroon ng ganung oras sa isat-isa. Magkasama sa iisang bahay ngunit hindi nagkikita.
Ang lakas ng tunog ng cymbals sa taas ng bahay. Kailangan ba na lakasan ang Volume ng todo? Maya't maya napapatingala ako, paulit-ulit sinisilip ang orasan. Hanggang kelan ba matatapos ito? kailangan ko pang matulog.
Ang lakas ng tunog ng cymbals sa kwarto ng magulang ko. Hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko, ano sila bingi? Hindi lang sila ang tao sa bahay.
Hindi ako makarelate sa kanila.
Hindi ako makapag Focus.
Wala akong maisip na maisulat.
Memoirs of being less nimble Part I
Hi, you can call me Ned. wala ako masyado ma kwento tungkol sa sarili ko, tingin ko hindi ako ganun ka espesyal. Nagiisang anak ng busy na magulang, ang tatay ko may mataas na posisyon sa isang kompanya, minsan lang kami magkita, sa umaga bago ako pumasok sa eskwela, hindi ko na sya naabutan sa almusal. Laging nagmamadali, parang araw-araw late sya. Sa gabi naman pag-uwi, nag dinner na daw sya, kung hindi dinner meeting, dinner kasama ang mga ka opisina o kung ano pa yun. Samantalang ang aking nanay eh laging lunod sa gawaing bahay, masyado syang madaming pinagkakaabalahan, paghahalaman, araw-araw na pagbago ng posisyon ng mga gamit sa bahay, oras-oras na paglilinis, pagluluto ng kung ano man ang bago nyang makitang recepie sa TV o magazine. Wala syang pagod, pero ako ang mukhang na hahapo sa ginagawa nila, silang dalawa.
Akala ko ang araw ng linggo ay araw para sa pamilya, hindi para sa amin, sa umaga magsisimba, makikilala ang kanilang mga kaibigan, pupunta sa isang salo-salo, makikihalubilo sa mga taong hindi ko naman gustong makasama. Wala talagang oras para sa amin lang tatlo.
Kahit ang aking kaarawan, mag pa-plano lang sila ng isang malaking party sa bahay, madaming kaibigan, ung iba nga hindi ko kakilala eh. May Clown, may Magician, May Mascot, ngunit walang mga Magulang.
Pasko, lahat ng bata ito ang paboritong araw sa na nakalagay sa kalendario, ako parang isang ordinaryong salo-salo na ginaganap tuwing araw ng linggo sa bahay ng mga kaibigan ng aking magulang.
Araw-araw pareparehong larawan ang pinipinta ko, araw-araw iisang eksena lang ang nangyayari sa buhay ko.
Gigising sa umaga para pumasok, kakain ng almusal na hinanda na ng aking nanay. Sa mga oras na ito naka alis na ang aking tatay, ang nanay ko naman kausap ang kanyang mga halaman.
Maghahanda sa pagpasok, magaaral, uuwi ng bahay, derecho sa kwarto, magbabsa ng lessons, Maghihintay ng hapunan. pakiramdam ko ay trap ako ng isang loop ng pangyayari. Nakakasawa na. Kelan ba ako kakalas sa ganitong sumpa?
Monday, November 24, 2008
Late-r...
Kanina late na naman ako... second week sa trabaho nag world record na naman ako sa late. Ito yung naging problema ko sa dati kong work, pero di ako tinatamad na mag re-resulta sa pag absent, late lang.
Ganun na talaga sakit ko, di ako punctual. Kahit sa lakad, kasi naiisip ko... may oras pa. idlip muna ng konti, ayun yung idlip naging tulog.
Tapos pag nakita ung tragic moment... waaah late na ako!!
Parang kanina, 8:15 am eh 8:30 pasok ko, 15 minutes na preparation!! Tanging pagligo nalang ang aking magagawa, di na ako naka kain ng breakfast , nakapag kape, nakapag ayos ng buhok, nakapanood ng MTV o pokemon.
Edi takbo agad sa sakayan... Sinabayan pa ng Sweet Destiny, ang tagal kong makasakay ng Jeep.
Isang Jeep lang naman ang sasakyan ko eh, tapos lakad galore to work. buti ganito lang, dati ung sa previous work ko isang oras na byahe, Bus then Jeep then Multicab, sa bus palang di na ako mapakali. Ang dami kong naiisip, magagalit na naman ung boss ko, di ko na naman maabutan bukas ung canteen. Minsan nga nagiisp pa ako kung paano lulusot dito.
Minsan nag imagine ako... sana magkaroon ng alien attack sa may bandang edsa, Yung may titira ng laser gun sa isang kotse malapit sa bus kung san ako nakasakay. Hehe para may reason kung bakit na late. "Sir nagkaroon po ng alien Abduction sa EDSA eh"
At second thought, hindi rin sya magandang alibi, baka kasi sabihin... "Eh kanina pang 10:30 ung Alien Abduction na iyon ah, dapat wala ka na sa EDSA nun, dapat andito ka na sa opisina"
wala talaga ako kawala, late kung late, hmmm... pano kaya kung may biglang umatake na T-Rex sa opisina namin at nasira ung studio?
"Sir buti nalang late ako, kundi nasama ako sa nasirang studio natin"
Subscribe to:
Posts (Atom)