Friday, November 28, 2008

Memoirs of being less nimble Part I


Hi, you can call me Ned. wala ako masyado ma kwento tungkol sa sarili ko, tingin ko hindi ako ganun ka espesyal. Nagiisang anak ng busy na magulang, ang tatay ko may mataas na posisyon sa isang kompanya, minsan lang kami magkita, sa umaga bago ako pumasok sa eskwela, hindi ko na sya naabutan sa almusal. Laging nagmamadali, parang araw-araw late sya. Sa gabi naman pag-uwi, nag dinner na daw sya, kung hindi dinner meeting, dinner kasama ang mga ka opisina o kung ano pa yun. Samantalang ang aking nanay eh laging lunod sa gawaing bahay, masyado syang madaming pinagkakaabalahan, paghahalaman, araw-araw na pagbago ng posisyon ng mga gamit sa bahay, oras-oras na paglilinis, pagluluto ng kung ano man ang bago nyang makitang recepie sa TV o magazine. Wala syang pagod, pero ako ang mukhang na hahapo sa ginagawa nila, silang dalawa.

Akala ko ang araw ng linggo ay araw para sa pamilya, hindi para sa amin, sa umaga magsisimba, makikilala ang kanilang mga kaibigan, pupunta sa isang salo-salo, makikihalubilo sa mga taong hindi ko naman gustong makasama. Wala talagang oras para sa amin lang tatlo.
Kahit ang aking kaarawan, mag pa-plano lang sila ng isang malaking party sa bahay, madaming kaibigan, ung iba nga hindi ko kakilala eh. May Clown, may Magician, May Mascot, ngunit walang mga Magulang.
Pasko, lahat ng bata ito ang paboritong araw sa na nakalagay sa kalendario, ako parang isang ordinaryong salo-salo na ginaganap tuwing araw ng linggo sa bahay ng mga kaibigan ng aking magulang.
Araw-araw pareparehong larawan ang pinipinta ko, araw-araw iisang eksena lang ang nangyayari sa buhay ko.
Gigising sa umaga para pumasok, kakain ng almusal na hinanda na ng aking nanay. Sa mga oras na ito naka alis na ang aking tatay, ang nanay ko naman kausap ang kanyang mga halaman.
Maghahanda sa pagpasok, magaaral, uuwi ng bahay, derecho sa kwarto, magbabsa ng lessons, Maghihintay ng hapunan. pakiramdam ko ay trap ako ng isang loop ng pangyayari. Nakakasawa na. Kelan ba ako kakalas sa ganitong sumpa?

No comments: